Sa Aking Don Juan, Florante, at Ibarra

Bagaman sadyang naging mahina
Aking pusong malungkot at nakaaawa
Pagkat di nasambit pagmamahal sa tula
Sa iyo na bumihag sa’king puso’t diwa
Di mo man mapansin o lubusang makilala
Sa aking puso hinding-hindi ka mawawala
Kahit na malamang ang mahal mo ay siya
Ayos na ako basta masigurong ika’y masaya
Ano pa nga ba ang maaaring magawa
Kung damdamin ko’y di mo alintana
Uupo na lang sa isang sulok nang nag-iisa
Mula sa malayo ay tititigan iyong mukha
Sabay ibubulong na ako na lang sana

Liwanag sa gabing kay dilim
Perlas sa dagat na malalim
Pinag-aalayan ng damdaming kinikimkim
Ikaw na iniibig ko nang lihim

Tila isang gamugamong nahalina sa ningas
Itong puso kong umiibig nang wagas
At ang pilit na pagtungo sa iyong landas
Siyang ikinasawi ng aking pusong mapangahas

Ano nga ba ang dapat kong gawin
Upang damdamin ko’y iyong mapansin
Kasalanan nga bang piliing ibigin
Ikaw na sa aki’y walang pagtingin

Huwag ka sanang magalit o maguluhan
Aking pag-ibig di ko balak ipaglaban
Kuntento na akong ika’y pagmasdan
Mula sa malayo kong kinalalagyan

Huwag mo nang alalahanin puso kong sawi
Ayos na sa’kin ang makita kang ngumiti
Di man mapasakin pag-ibig na minimithi
Iyong tandaan nasa puso kitang lagi

Rizal writing activity
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
2nd Semester, A.Y. 2012-2013

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s